Maikling Kwento Na May Pandiwa

Maikling kwento na may pandiwa

MAIKLING KUWENTO NA MAY PANDIWA

Ang pandiwa ay mga salitang tumutukoy sa kilos o galaw na isinigawa ng isang tao, bagay, hayop o pangyayari. Ito ang mga salitang nagpapakita kung paano kumilos o gumalaw ang isa o ang marami. Narito ang isang halimbawa ng maikling kuwento na naglalaman ng ilang mga halimbawa ng pandiwa.

Umaga na at narinig ni Berta ang tilaok ng manok. Tumayo siya agad at naglakad papuntang banyo. Siya ay naghilamos at tumingin sa salamin. Maya maya pa ay tinawag siya ng kanyang ina. "Berta! Kakain na." "Opo, inay", sagot ni Berta. Agad na nagtungo si Berta sa hapag kainan. Umupo siya at sinabi ng kanyang ina na magdasal muna. Nagdasal si Berta bago kumain. Pagkatapos magpasalamat sa Panginoon, agad siyang kumain. Mabilis niyang inubos ang kanyang pagkain at uminom agad ng tubig pagkat alam niya na kapag binagalan niya pa ay mahuhuli na naman siya sa klase. Pagkatapos kumain ay agad naman siyang naligo at nagbihis ng uniporme. Nagsuklay at kinuha ang gamit. Nang makapaghanda na ay nagpaalam na siya sa kanyang ina.

Para makarating sa paaralan, sumakay siya ng tricycle. Nang makarating na sa paaralan, palibhasa ay unang araw ng pasukan, agad niyang hinanap ang kanyang silid-aralan at nang makita ito umupo siya sa bakanteng upuan. Maya-maya pa ay tumunog ang alarm ng paaralan na nagpapahiwatig na oras na ng klase. Makikita sa labas ng silid-aralan ni Berta ang ilang mga estudyante na tumatakbo papunta sa kanilang mga silid-aralan. Pagkatapos ng ilang mga minuto, dumating ang kanyang guro at bumati sa kanila. Tumayo silang lahat at binati rin ang kanilang guro. Inutusan ng guro ang lahat na magpakilala at pumunta sa unahan. Gayon nga ang ginawa nila.

Sa maikling kuwento na ito, nakita ang ilang mga halimbawa ng pandiwa. Laging tandaan na ang pandiwa ay tumutukoy sa kilos o galaw na isasagawa o naisagawa na. Tinutukoy nito kung anong kilos ang naganap.


Comments

Popular posts from this blog

Help Me Pls?!!!!! , Q15. What Type Of Plate Is Plate A? What About Plate B? Why Do Yo, Say So? , Q16. Describe What Happens To Plate A As It Collides