May Bahay Ng Alperes At Nagpasayaw Kay Sisa

May bahay ng alperes at nagpasayaw kay sisa

Ang nagpasayaw kay Sisa ay si Donya Consolacion. Hindi pinayagan ng Alperes na lumabas at makihalubilo si Donya Consolacion noong gabi ng prusisyon, galit na galit ang kalooban ng Donya dahil dito. Narinig niya ang pag awit ni Sisa kung kayat pinuntahan niya ito sa Kuwartel kung saan ito nakakulong at tinawag ito sa wikang Kastila hindi naman ito naintindihan ni Sisa kung kayat iniutos niya sa Sibil na tawagin si Sisa at sumunod sa kaniya sa taas ng kaniyang bahay, pag akyat nito ay hindi nagawa ni Sisa na magbigay pugay sa Donya kung kayat nagalit lalo si Donya Consolacion at kinuha ang latigo ng Alperes at hinampas ito kay Sisa habang inuutusan niya itong sumyaw.

Si Donya Consalacion ay dating labandera ng napangasawa niyang Alperes kung kayat nahihiya ang Alperes na ipakilala ito sa kaniyang mga kaibigang kastila at mayayamang taga lalawigan. Ikinahihiya rin ng Alperes ang asawang si Donya Consolacion dahil sa katawa-tawang pananamit nito at pati ang amoy nito ay parang amoy ng mga kalaguyo ng mga sundalo, ngunit para kay Donya Consolacion ay mas maganda siya kay Maria Clara ganoon kataas ang kaniyang tingin sa sarili, isa siyang mayabang at mapang alipustang tao.

Para sa karagdagang kaalaman tignan ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/2144813

brainly.ph/question/548052

brainly.ph/question/2110803


Comments

Popular posts from this blog

Maikling Kwento Na May Pandiwa

Anong Mga Karaniwang Gawain Ang Gusto Mong Ginagawa?