Pano Inihanbing Ang Sekswalidad Ng Tao Sa Hayop

Pano inihanbing ang sekswalidad ng tao sa hayop

Ang sekwalidad ng tao ay may kasamang mataas na antas ng karunungan. Nagagamit natin ang ating kakayahang mangatuwiran at maunawaan ang tama at mali. Kaya naglagay ang Diyos ng tama at mali o ng pamantayang moral tungkol sa sekwalidad. Ginamit pa nga niya ang kakayahang mag-anak bilang bahagi ng layunin niya sa tao. Sa Genesis 1:28 sinabi ng Diyos na mag-aanak ang tao at pangangasiwaan ang lupa.

Bagaman ang hayop ay may sekswal na ugnayan. Makikita mong mayroong espesyal na mag katangian ang ibat-ibang hayop at ang iba doon ay parang nalalapit sa katangian ng tao. Pero ang lahat ng iyon ay instinct lamang at walang moral na pananagutang ibinigay ang Diyos. Kaya nga walang mahahatulang hayop na gumawa ng maling paggawi sa kaniyang sekso hindi gaya ng sa tao na may kahatulan kapuwa ang Diyos at ang batas ng tao.


Comments

Popular posts from this blog

Maikling Kwento Na May Pandiwa

Anong Mga Karaniwang Gawain Ang Gusto Mong Ginagawa?