"May Kakayahan Ka Bang Isabuhay Ang Mga Katangian At Kakayahang Ito?A. Kung Oo, Ipaliwanag.B. Kung Oo, Ipaliwanag."
"May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kakayahang ito?a. Kung oo, ipaliwanag.b. Kung oo, Ipaliwanag."
Answer:
Oo, sa pamamagitan ng mga katangiang ito at kakayahan ay magagawa natin itong isabuhay.
Explanation:
Marami ng tao ang maituturing na ehemplo upang maisabuhay ito.
- Nariyan sila Jonlu Koa nang dahil sa kanyang kuryosidad sa kakaibang tinapay sa ibang bansa ay naisip nitong dalhin sa Pilipinas. Sa pamamagitan mg pagsasaliksik ay matagumpay nitong naitatag ang French Baker.
- Sa mga demonstrasyon tulad ng karanasan ni Sandy Javier kaya nakilala ang litson manok. Dala na rin ng kanyang karanasan, pagpupursigi, at hindi pagsuko kaya ginantimpalahan siya sa kanyang mga sakripisyo. Ngayon ay may 300 na sangay na ang kanyang litson manok, at patuloy pang namamayagpag ito.
- Bulag man ang Product & Support Manager na si Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog sa Spain ay hindi naging hadlang ang ibang pandama nito upang maging magaling at magkaroon ng ibat-ibang parangal at tagapagsalita sa ibat-ibang pagtitipon.
- Isa marahil si Ryzza Mae Dizon sa biglaang pagsikat gawa ng telebisyon. Misteryo man at walang katiyakan ay sumali pa rin ito sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga na naging daan ng kanyang tinatamasang katanyagan.
- Si Dr. Rafael Guerrero na unang nagpasimula ng Vermicomposting Science and Technology sa Pilipinas maging sa karatig Timog Silangang Asya. Dahil sa taglay niyang pananaw sa agham, katuwiran at nakamamanghang imahinasyon ay naging tulong ito sa mga magsasaka tulad ng farm waste at ambag sa Global Warming.
- Si Manny Pacquaio na patuloy na pageehersisyo hindi lamang tuwing may Boxing Match ito ay isang pagpapahalaga sa kalusugang pisikal at pag-iwas sa anumang bisyo. Pinalalakas pa nito ang kanyang kaisipan sa pag-aaral ng mga batas para mapalawig pa ang kaalaman niya at kontribusyon sa ating bansa.
- Lahat ng bagay ay may pagkakaugnay-ugnay. Mula sa halaman kung saan nagbibigay ng Oxygen sa mga hayop at tao. Carbon Dioxide na inilalabas ng hayop at mga tao upang makatulong sa magproseso ng mga halaman sa paggawa ng pagkain para makain naman ng mga hayop at tao.
- Huwag din natin kalimutan ng patuloy na magpasalamat at magpuri sa Diyos. Tulad na lamang nang patotoo sa buhay ng mag-asawang Vic at Avelyn Garcia. Isa silang ehemplo at malaking patutoo sa mga pagpapala ng Diyos kaya ganoon na lamang ang pasasalamat at damdamin na parang nasa langit, walang kapaguran at patuloy na nagpapagamit sa Diyos. Sa katunayan ay "Career Coach at Motivational Speaker" sila sa 700 Club.
Kung lahat ng halimbawa ay nagawang maisabuhay ang mga katangian at kakayahang ito ay posible rin makamit ito ng bawat tao.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagkatuto:
CODE: 9.24.1.10
Comments
Post a Comment