Ano Ang Ibig Sabihin Ng Walang Lihim Na Hindi Nabubunyag
Ano ang ibig sabihin ng walang lihim na hindi nabubunyag
Walang lihim na nabubunyag! Iyan ay naging konklusyon na ng halos lahat ng tao. Nakasubok na sila na magtago at sa huli ay nabunyag din itp kahit anong sikap nilang itago ito. Naranasan na nila ang epekto nito o nakita na nila sa iba ang hirap kung paano magtago at sa huli ay mas mahirap pang ipaliwanag o ayusin ang gusot.
May dalawang dahilan kung bakit talagang totoong walang lihim na hindi nabubunyag.
1. Ang mga kalagayan ay hindi inaasahan. Maraming mga nagkakabit-kabit na mga kwento, o senaryo hanggang sa nakita o napag-alaman na ng dapat maka-alam. May ilang gamit na puwedeng magdugtong ng mga kwento. O may mga pagkakataon na nagkikita na lamang ang lahat at dahil may tinatago, makikita na ito sa mga mata, sa boses o sa mga kwentong hindi naman nagkakasundo.
2. Ang Diyos mismo ay nagbigay ng pagkakataon na maayos mo ang lihim. Pero may hangganan ito, sa huli ay ihahayag niya ito sa tamang panahon. Sa Eclesiastes 3:1 May takdang panahon para sa lahat ng bagay, Isang panahon para sa bawat gawain sa ibabaw ng lupa.
Naunawaan ng ilan na kailangan niyang magtapat sa simula pa lamang. Baka hindi pa siya napahiya, hindi pa nawala ang tiwala o hindi pa nasira ang ilang relasyon.
Comments
Post a Comment