Ministrong Pandayuhan Nh Paraguay
Ministrong pandayuhan nh paraguay
Ang kasalukuyang Ministro ng Pandayuhan ng Paraguay ay si Eladio Loizaga Caballero. Nanumpa siya sa kaniyang katungkulan bilang Foreign Minister ng Paraguay noong ika-15 ng Agosto 2013, sa gabinete ni Presidente Horacio Cartes.
Si Loizaga ay nag-aral ng abogasya sa Universidad Nacional de Asuncion, at nagtapos noong 1973. Itinalaga na niya ang kaniyang sarili sa mga larangan ng International Law, Civil Law, International Trade and Intellectual Property. Siya ang isa sa mga lokal na tagapagsulong ng World Anti Communism League. Naging Punong Gabinete din siya ng mga tauhan ni Andres Rodriguez Pedotti. Nagsilbi din siya bilang mambabatas at kinatawan ng Paraguay sa United Nations at WTO.
Ang sumusunod ay listahan ng mga naging ministrong pandayuhan ng bansang Paraguay mula taong 1989 hanggang sa kasalukuyan:
1989–1990: Luis María Argaña
1990–1993: Alexis Frutos Vaesken
1993: Diógenes Martínez
1993–1996: Luis María Ramírez Boettner
1996–1998: Rubén Melgarejo Lanzoni
1998–1999: Dido Florentín Bogado
1999: Miguel Abdón Saguier
1999–2000: José Félix Fernández Estigarribia
2000–2001: Juan Esteban Aguirre Martínez
2001–2003: José Antonio Moreno Ruffinelli
2003–2006: Leila Rachid de Cowles
2006–2008: Rubén Ramírez Lezcano
2008–2009: Alejandro Hamed
2009–2011: Héctor Lacognata
2011–2012: Jorge Lara Castro
2012–2013: José Félix Fernández Estigarribia
2013–2019: Eladio Loizaga
Comments
Post a Comment