Ano Ang Ikalawang Kaantasan Ng Panguri
Ano ang ikalawang kaantasan ng panguri
Kaantasan ng Pang - uri:
Ang ikalawang kaantasan ng pang - uri ay pahambing. Ang kaantasang ito ay naghahambing ng dalawa o higit pang pangngalan.
Mga Halimbawa:
- Si Ana ay mas matangkad kaysa kay Nina.
- Mas malaki ang bilang ng mga babae sa aming klase kaysa sa bilang ng mga kalalakihan.
- Mas maraming prutas ang mabibili mo sa halagang isang libong piso sa Divisoria kaysa sa supermarket.
Iba Pang Kaantasan ng Pang - uri:
- lantay
- pasukdol
Ang lantay ay tumutukoy sa kaantasan ng pang - uri na hindi naghahambing.
Halimbawa:
- Maganda ang bahay - bakasyunan nila sa Tagaytay, City.
Ang pasukdol ay kaantasan ng pang - uri na nagpapahayag ng pangingibabaw.
Halimbawa:
- Si Eloisa ang pinakamasipag sa gawaing - bahay sa mga magkakapatid.
Kaantasan ng Pang - uri: brainly.ph/question/70151
Halimbawa ng Pahambing: brainly.ph/question/145004
Kahulugan ng Pang - uri: brainly.ph/question/1857553
Comments
Post a Comment