Kahulugan Ng Sociological Imagination
Kahulugan ng sociological imagination
Answer:
Ayon kay C. Wright Mills, isang sosyologo, ang social imagination ay isang teorya ng isang uring kamalayan na may pagkilatis sa ugnayan ng personal na karanasan at sa pangkalahatang karanasan ng lipunan. Ito ay isang pagmamalay na naglalayong tingnan ang bawat karanasan bilang bago at punong puno ng pagka-maaari. Ang social imagination ay nagsisilbing teorya upang tingnan ng tao na siya ay bunga ng isang proseso ng bawat kilos, proseso ng kasaysayan, at proseso na kalahok ang mas malaking kontekstong panlipunan. Gayundin, ang teoryang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na tingnan ang isang bagay o karanasan sa ibat-ibang pananaw at perspektibo. Hinihikayat na tingnan muli ang karanasan bilang umaapaw sa pagka-maaari
Comments
Post a Comment