Maikling kwento na may pandiwa MAIKLING KUWENTO NA MAY PANDIWA Ang pandiwa ay mga salitang tumutukoy sa kilos o galaw na isinigawa ng isang tao, bagay, hayop o pangyayari. Ito ang mga salitang nagpapakita kung paano kumilos o gumalaw ang isa o ang marami. Narito ang isang halimbawa ng maikling kuwento na naglalaman ng ilang mga halimbawa ng pandiwa. Umaga na at narinig ni Berta ang tilaok ng manok. Tumayo siya agad at naglakad papuntang banyo. Siya ay naghilamos at tumingin sa salamin. Maya maya pa ay tinawag siya ng kanyang ina. "Berta! Kakain na." "Opo, inay", sagot ni Berta. Agad na nagtungo si Berta sa hapag kainan. Umupo siya at sinabi ng kanyang ina na magdasal muna. Nagdasal si Berta bago kumain. Pagkatapos magpasalamat sa Panginoon, agad siyang kumain . Mabilis niyang inubos ang kanyang pagkain at uminom agad ng tubig pagkat alam niya na kapag binagalan niya pa ay mahuhuli na naman siya sa klase. Pagkatapos kumain ay agad naman siyang naligo at...
Comments
Post a Comment